May Aso po Inay
Kwentong katatawanan ni Juan P. Amodia
Mag-aalas siyes ng gabi ng nasa harap ng bahay ni Mrs. Chavarria si Careen. Inutusan kasi siya ng area director nila sa ministry upang hingin ang perang sinulicit nila para sa summer camp. Bigla na lamang siyang kinalabutan ng Makita niya ang mga alagang aso ni Mrs. Chavarria. May karanasan kasi siya noon na parating bumabalik sa kanyang isipan kapag nakakita siya ng mga aso. Ito’y nakakatakot ngunit nakakatawang karanasan.
Nasa unang baitang ng elementarya ng maranasan niya ang nakakatawang pangyayaring iyon. Umaga noon ng inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng pansit sa tindahan ni aling Gloria.
Oi, Carren.. bumili ka nga ng pansit ng makakain ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela. “ ang utos ng kanyang nanay.’’
Opo nay.. “ sagot naman ni Careen.”
Kakatapos lamang niyang maligo noon at nakasuot na rin siya ng damit pang eskwela.
O, hayan ang sampung piso dalian mo ang kilos.” Wika ng ina”
Nang makalabas siya ng bahay ay nakakita siya ng grupo ng mga aso sa kalsada.
“Aw, aw, aw, aw , aw…. Wikang patahol ni Carren….
Animo’y tinatawag niya ang mga hayop yon pala ay inaasar niya ito.
Dumukot siya ng bato at pinagbabato ang mga hayop.
Hahahaha… Sabay ng kanyang malakas na pagtawa.
Nakarating siya sa tindahan ni Aling Gloria at doon ay bumili ng pansit.
Sa daan patungo sa kanyang pag-uwi ay naroon pa rin ang mga asong tila naghihintay sa kanya.
Natatandaan marahil ng mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata.
Grrrr!,, aw! Aw! Aw! Aw!... Ang malakas na pagtahol ng mga aso..
Nagtapang tapangan si Carren.. Sabi n’ya sa sarili “ akala n’yo natatakot ako sa inyo ha.. Makakatawid ako pa rin ako sa inyo.
Subalit ang mga aso ay tila nagngingitngit sa kanya. Naririnig niyang tumutunog ang ngipin ng mga aso na tila handa ng kumain sa kanya.
Huhuhuh.. Lagot na..
Tumutulo na ang pawis sa kanyang mga pisngi. Subalit ayaw niyang papatinag sa mga hayop.
Akala niyo takot ako sa inyo ha.. “mayabang na salita ni Careen”.
Galit na yata sa akin ang mga ito.. Tatakbo na lang ako. “Bulong niya sa sarili.’
Uno, Dos, Tres..
Ilang Segundo lang ay kumarip[as na siya ng takbo patungo sa kanilang bahay. Subalit hinahabol naman siya ng mga aso.
Pansin niyang mas mabilis ang takbo ng mga aso kayasa sa kanya. Upang hindi siya maabutan ay iniwan na niya ang suot na tsinelas para walang sagabal sa pagtakbo.
Sa tindi ng takot ay napasigaw siya. Inay! Inay! Inay!.. may aso po.. may aso po..
Nakarating na siya ng bahay at sigaw pa rin siya ng sigaw. Nakasirado kasi ang pinto ng bahay nila. Takok siya ng katok. Talon ng talon… Sigaw ng sigaw..
Inay may aso po..
Subalit hindi naman siya mabuksan agad ng kanyang ina dahil may ginagawa pa ito sa kusina.
Naku! Malapit na sa akin ang mga aso. Huhuhu..
Napaiyak na siya ng hindi pa rin nabuksan ng kanyang ina ang pinto.
Dahil doon ay iniwan na lamang niya ang ulam sa harap ng pinto ng kanilang bahay sabay kumaripas muli ng takbo.
O Careen, bakit? “Wika ng kanyang ina.”
Subalit nakaalis na siya ng mabuksan nito ang pinto.
Takbo siya ng takbo. Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga aso. Hangang sa makarating sa palayan ni Mang Tandoy.
Dahil sa maputik at basa ang lupa ay nadulas siya. Tuloy-tuloy hanggang sa putikan.
Mabuti na lang at kumalma ang mga aso na humahabol sa kanya. At umalis din ang mga ito pagkaraan ng ilang sandali.
Natawa ang kanyang ina sa pangyayari. Habang iyak naman siya ng iyak sa takot na kansayang sinapit.
Pag ahon niya ay nakita niya na naiwan ang hulma ng kanyang katawan sa tubigan. Natawa pati mga kapitbahay niya sa nakita. Para kasi nsiyang zombie na umahon mula sa hukay sa kanyang hitsura na puno ng maitim na putik.Umalis na lamang siya p-agkatapos ng pangyayari.
Nabaling na lamang ang kanyang isip mula sa pag-alala sa nakraan ng tinapik ang kanyang balikat ng binatang anak ni Mrs. Chavarria. Si Andel. Crush niya ito. Kaya bigla na lamang nawala ang takot nito dahil sa tamis ng ngiti ng binata sa kanya.
Wednesday, March 24, 2010
Kwentong Trahedya
Disgrasya sa Dagat
Kwentong Trahedya ni Juan P. Amodia
Ang trahedya ay kusang dumarating ng hindi nagpapa-aalam. Kaya ang mahalaga ay dapat maging handa tayo palagi.
Isang magandang pamamasyal noon ang naranasan ng pamilya ni Mang Jun. Selebrasyon kasi ng kapistahan sa kanilang lungsod. Magtatanghali ng matapos ang kanilang pamamasyal. Masaya sila noon dahil minsan lamang sila makapunta ng bayan. Marami silang mga nabili. Mga damit, pagkain at mga laruan.
Kaya matapos ang masayang pamamasyal ay napasyahan na nilang umuwi. Halos maubos na rin kasi ang pera nila sa pamimili.
Sakay ng pumpboat na tanging sasakyan lamang na maaring masakyan pabalik sa kanila ay tumuntong na sila rito. Sakay ng pumpboat ang buong pamilya, Si Mang Jun n, kanyang asawa at mga anak. At ilan pang mga nakasakay rito. May mga matantanda at mga bata rin na sakay doon sa bangka. Maliit na pulgada na lang at sasakay na rin ang tubig dagat sa kanilang pumpboat. Ang sabi ng kapitan ay huwag kayong malikot at kargado tayo. Makakarating tayo sa atin ng matiwasay basta wala lamang maglilikot sa inyo. Tahimik naman ang dagat ngayon at maaliwalas ang panahon. Bago umalis ay tumahimik din ang mga maiinagay na pasahero.
Sa kanilang pagbibyahe ay nagdasal ang mga matatanda para sa tahimik at mabuting paglalakbay. Subalit sa di inaasahang pangyayari, makalipas ang ilang minuto ng paglalakbay at sila ay nasa malalim na parte na karagatan ay mag nasalubong silang isang maliit na pumpboat. Hindi ito napansin ng kapitan dahil may nakatabon na payong sa kanya. At sa kasamaang palad ay bumanga ang maliit na pumpboat na memamaneho ng isang lasing sa kanilang sasakyan. At ganoon nga ay lumubog ang dalawang bangka.
Ilang sandali pa ay dumating ang ibang bangka para sumagip sa mga nadisgrasya. Subalit dahil sa mga bata at matatanda ang karamihang pasahero ay hindi na nila naabotan ang mga ito. Marami ang nasawi sa trahedyang iyon. Kabilang ang lahat na membro sa pamilya ni Mang Jun. Walang siyang ni isang nasagip sa pamilya.
Kinasuhan ng gobyerno ang kapitan ng bangka dahil sa pagkakarga ng higit na pasahero at ang lasing na lalaki dahil sa pagmamaneho nito ng lasing.
Tumayo namang saksi si mang Jun sa mga pangyayari. Nais kasi niya na mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.
Malungkot na malungkot si Mang Jun dahil sa isang iglap lang ay nawala sa kanya ang pamilya.

Kwentong Kababalaghan
Copy Face/ Pangongopya ng Mukha
Kwentong Kababalaghan ni Juan P. Amodia
Naniniwala ka ba sa mga engkanto? Sabi ng mga matatanda, hindi lamang daw tayo ang nakatira dito sa mundo. Mayroon pang ibang mga nilalang na namumuhay dito. Subalit hindi lamang natin sila nakikita. May mga kwento din na nagpapahiwatig na nandito nga sila. Mga pagpaparamdam at pagpapakita. Nakakapanginlabot diba? May karanasan ako tungkol sa isang hindi maipaliwanag at nakapagtatakang pangyayari. Isang kababalaghan noong bata pa ako.
Kadadaong lamang ng pumpboat sa daunggan ng aming baranggay ng usap-usapan ng mga bata at matatanda noon ang mga pangyayari na kinasangkutan ko raw noong nakaraang gabi. Nagtataka ako dahil wala naman ako doon noong nangyayari ang kwentong kanilang sinabi.
Ang kwento ay dinala ko raw ang pinsan ko na si Maricel sa kalagitnaan ng gabi. Namamayal umano kami kasama ang isa pa naming pinsan na si ate Marife papunta sa liblib na lugar sa aming baranggay. Nakita daw kami sa tabi ng malaking puno ng mangga sa may palayan ni Mang Kalisto.
Naisip ko na medyo malayo na iyon sa baranggay, kaya malayo pala ang pinasyal ko ng gabing iyon kong totoo. Isa pa hindi rin ako nagpupunta sa lugar na iyon maraming nagsasabi na maraming kababalaghan ang nagyayari sa lugar na iyon.
Sa pagtutuloy ng kwento, ang sabi ng matandang nakakita kay Maricel at sa amin. Ako daw ang mag karga kay Maricel habang si Marife ang siyang nauuna at nagsisilbing taga-guide sa amin. Kaya tinawag daw kami ni Aling Oling, ang matandang nakakita umano sa amin kung saan daw kami pupunta. Subalit hindi daw kami sumagot. Naki-usap umano si Maricel sa akin na ibaba siya dahil tinatawag siya ni Aling Oling. Lumapit si Maricel kay Aling Oling at nagka-usap sila ilang segundo. Kinuha ko raw siya at ni ate Marife sa kanilang bahay upang imbetahan sa kaninan sa amin. Ngunit paglingon nila ay hindi na nila kami nakita.
Kaya dinala na lang muli si Maricel ni Aling Oling pabalik sa baranggay. At yon na nga ang usap-usapan sa baranggay na pinaglalaruan ng engkanto ang aking pinsan at ginamit nila kami. Kinopya nila ang aming anyo.
Pagkarating ko sa bahay ay taking-taka ako sa pangyayari. Kaya pinuntahan ko si ate Marife sa kanila ngunit ang sabi ng kanyang nanay ay nagtataka din sila sa kwento ng bata at ni aling Oling dahil wala din sa kanila si ate Marife noong nangyari iyon. Nasa Isabel siya at namamasukan sa isang pharmacy.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, maraming kababalaghan pa ang bumalot sa aming baranggay. May mga sinasaniban ng mga masamang espiritu. May nawawala at matatagpuan na lamang sa tabi ng isang malaking puno o sa may paaralan. At naulit pa na kopyahin muli nila ang aking mukha.
Natanong ko nga sa sarili ko kong bakit gusto nilang kopyahin ang mukha ko. Pero sa awa naman ng Diyos ay wala namang masamang nangyari sa akin. Basta kailangan lamang nating manalig at magtiwala sa kanya.
Ingat po kayo.. hehehe

Subscribe to:
Comments (Atom)